Ayon sa (LP) Liberal Party Marcos hindi magtatagal sa Libingan Ng Mga Bayani

Pilipinas Ngayon 3:38 AM
Nangako ang mga senador sa Liberal Party na tiyak na huhukayin ang mga labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos matapos ang biglaang pagbuburol sa Libingan ng mga Bayani kahapon.


Nauna nang naghain ng resolusyon ni Sen. Risa Hontiveros kaugnay sa mas mahigpit na panuntunan ng paglilibing sa LNMB.
Tinawag naman na “lost” ni Senate President Aquilino Pimentel III ang naging aksyon na ito ng LP.

Gayunman, nagbigay-babala si LP acting president Francis Pangilinan na maaring hindi manatili ang mga labi ng dating pangulo sa LNMB.
Hangga’t may mga taong lumalaban dito, patuloy anila silang gagawa ng aksyon upang mailipat muli ang mga labi nito.
Giit pa ni Pangilinan, binuksan lang muli ng Duterte administration at pamilya Marcos ang mga sugat ng mga pag-torture, pag-abuso at pagpatay noong panahon ng Martial law.
Imbis na ipilit ang pag-move on, magdudulot lang aniya ito nang mas malalim na kaguluhan sa bansa.
Sa kabila ng motion for reconsideration, sinabi ni Supreme Court spokesman Theodore Te na hindi maaaring pigilan ang naging desisyon ng mga Marcos dahil wala aniyang inilabas na restraining order kaugnay dito.
Samantala, ipinarating ni Pangilinan na tutol ang buong LP sa hero’s burial kay Marcos kung kaya’t sasama ang partido sa mga gagawing protesta upang aniya’y mapabaligtad ang naging hatol ng korte.

Share this

Related Posts

Previous
Next Post »