PRESIDENT DUTERTE GIRAHIN ANG NPA

Pilipinas Ngayon 4:39 AM
NPA gerahin ! - Digong | Updated March 10, 2017
Iniutos na kahapon ni Pangulong Duterte sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na gamitin ang lahat ng assets upang giyerahin ang New People’s Army (NPA) kasunod ng ginawang pananambang sa 4 na pulis kamakalawa sa Davao del Sur.

“I’m ready for all an out war, for another 50 years. I can assure everybody the armed forces and the PNP would respond,” pahayag ng Pangulo sa pagdalaw nito sa burol ng 2 sa apat na napatay na pulis.
Sinabi pa ng Pangulo, ipinapagamit niya sa PNP at AFP ang lahat ng air assets ng gobyerno upang bombahin ang lahat ng kuta ng NPA na pumaslang sa non-combatant force ng PNP kamakalawa sa Davao del Sur.
Kinilala ang mga nasawi na sina PO3 Jayden May Rabor, miyembro ng Scene of the Crime Ope­ratives (SOCO) ng Davao del Sur Police; PO1 Rolly Benelayo, PO1 Saro Mangutara at PO1 Joe Narvaza, pawang ng Bansalan Police na kapwa tadtad ng bala ang mga katawan.
Naniniwala ang Malacañang na posibleng makaapekto sa planong panunumbalik ng peace talks sa pagitan ng gobyerno at CPP-NPA-NDF ang pananambang ng NPA sa 4 na pulis.
Naunang sinabi ni Pre­sidential Spokesman Ernesto Abella, nais ni Pangulong Duterte na maging sinsero ang kilusang komunista sa plano nilang muling pakikipag-usap sa gobyerno at dapat maging responsable sila sa mga ginagawa ng kanilang miyembro.
“The President has actually laid down some conditionalities. Well, basically some things he would like the CPP-NPA-NDF--to abide by. For example, they should stop extortion and there should be a bilateral ceasefire... They should in fact take it upon themselves to be responsible for their own people,” sabi ni Abella.
Inamin din ni Abella na mayroong nagaganap na back-channeling talks sa communist movement matapos kanselahin ng Pangulo ang peace talks noong Pebrero

Share this

Related Posts

Previous
Next Post »